Una sa Balita

Mga Pinoy nagdiwang sa panalo ni Pacquiao

0 296

By Juliet de Loza-Cudia/­Dindo ­Matining/Mina ­Aquino

NAGPAABOT ng pagbati ang Malacañang, mga senador at isang alkalde kay Senator Manny Pacquiao sa kanyang panalo sa Amerikanong si Keith Thurman, para masungkit ang WBA welterweight crown sa MGM, Las Vegas, Nevada.

“At the start of the year, Senator Emmanuel­ ‘Manny’ Pacquiao made the whole country proud as he successfully defended his WBA welterweight belt over American Adrien Broner. Six months later, he doubled this feat as he defeated Keith Thurman today via split decision, even knocking him down in the first round,” ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo.

“Pacquiao’s victory is not only his, but of the entire nation. As such, the Palace is one in rejoicing with the Filipino people as the Pambansang Kamao once again puts the flag above the pedestal with his display of tenacity and courage,” dagdag pa ni Panelo.

Nagbunyi din ang mga kasamahan sa Senado ni Pacquiao sa pagkakapanalo nito.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, magandang regalo sa mga Pilipino ang pagkapanalong ito ng Pambansang Kamao. Hindi pa rin aniya nawawala ang lakas at tikas ni Pacquiao para makuha ang belt ni Thurman.

“Kitang-kita pa rin talagang andun pa rin yung lakas ni Manny tsaka yung power niya, yung galing nya,” reaksiyon ni Sotto matapos ang laban.

Magkasama si Sotto at Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at iba pang mga kongresista na nanood ng live screening ng laban ni Pacquiao sa isang mall sa Makati City kahapon.

Bagama’t hindi natuwa sa split decision sa score card, puring-puri din ni Dela Rosa ang pagwagi ni Pacquiao laban kay Thurman.

“Kinabahan nung sinabing split decision bakit naging split yun? Very one-sided man yun. Kinabahan ako pero confident ako na siguradong mananalo tayo,” sabi ni Dela Rosa.

“I’m very proud of my kumpare Senator Manny Pacquiao. Very proud once again ang Pilipinas ay masaya ngayon. Siguro, zero crime rate na naman tayo ngayon,” dagdag pa nito.

Sabi naman ni Senador Sonny Angara, “One solid win by Pacman, one giant celebration for his countrymen. This vintage Pacquiao win shows why his people love him to the moon and back.”

“By Monday, my friend and colleague will step again into the Senate ring to join the fight against our ancient enemies – hunger, joblessness, po­verty,” dagdag pa nito.

Giit naman ni Senador Francis ‘Kiko’ Pa­ngilinan, “Thank you, Senator Manny, for being the bearer of the Filipino dream of winning the good fight”.

“Sa pagbabalik mo, pagtulung-tulungan naman nating i-knockout ang mga problemang kinakaharap ng mga Pilipino,” sabi pa ni Pangilinan. Binati din ni Manila Mayor Isko Moreno si Pacquiao sa kanyang tagumpay at sa ipinamalas nito na ga­ling ng lahing Pilipino sa larangan ng pagboboksing.

“Tulad ng aking mga kapwa Batang Maynila, si Pacman ay galing sa hirap at nagsumikap sa maraming aspeto ng buhay, mapa-pulitikal man o sa larangan ng boksing,” sabi ni Moreno.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy