Una sa Balita

Mga Pinoy na patungong HK pinaalalahanan ng DFA

0 528

INARESTO ang isang estudyanteng Pinoy na patungo sana ng Canada makaraang makuhanan ng mga armas sa kanyang bagahe na pang self defense nito tulad ng teargas sa airport ng Hong Kong nitong Enero 8.

Kung kaya’t mariing pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga biyaherong Pinoy patungong Hong Kong na huwag magdadala ng iligal na bagay sa kanilang mga bagahe.

Paalala ito ng Philippine Consu­late General sa Hong Kong matapos madakip ang isang Pinoy student nang makuhanan ito ng mga airport authority sa Hong Kong sa check-in luggage nito ng mga stun gun, pepper spray, tear gas, extendible batons, flick knives at knuckledusters, na itinuturing na mga dangerous weapon sa nabanggit na bansa.

Nabatid na kapag wala aniyang permit sa pagdadala nito ay ang parusa dito ay may multang HK$100,000 at maximum sentence na limang taon na pagkakulong.

Ayon kay Consul General Morales, ang naturang estudyante ay patungo sana ng Canada nitong Enero 8 at pinayagan lamang ito ng mga Hong Kong authority na makaalis nitong Enero 11 matapos itong bigyan ng legal assistance ng Consulate General. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy