Una sa Balita

Mga Pinoy na may criminal minds nire-recruit ng mga Kano

0 405

DEO MACALMA

Naalala niyo ba ‘yun computer student na sumikat sa buong mundo dahil sa kanyang obra na I Love You Virus noong year 2000.

Ito ‘yun nakilala rin sa tawag na Love Bug Virus na sumira sa mil-yon-milyong PC systems worldwide noong May 5, 2000.

Ang author ng I Love You Virus ay si Onel de Guzman na isa lang ave-rage student sa AMA Computer College na puro 3 ang grades pero flat 1 pala pagdating sa Computer Science lalo na sa Assembly Language.

Dahil sa perwisyong ginawa ng Love Bug Virus sa buong mundo ay ina-resto sya ng NBI Agents pero kalaunan ay kinuha ng FBI at ngayon ay nasa USA nagtatrabaho kay Uncle Sam sa FBI o CIA para protektahan at labanan ang mga banta sa PC systems ng samba-yanang kano.

Ayon sa aking bubwit, may isa pang Pinoy na pumukaw sa interes ng mga kano at pinuntiryang i-recruit para makatulong din sa interes ni Uncle Sam gaya ni De Guzman.

Ang isa pang pinoy na pinuntirya naman ng US Federal Reserve Bank sa New York ay sangkot naman sa hacking sa Bang-ladesh Central Bank na inalok palalayain at posibleng relocation sa Tate kapalit ng impormasyon kung paano nadale ang Bangladesh Central Bank ng US$81M na napadpad at na-encash sa RCBC Makati Branch.

Pero ayon sa aking bubwit, mukhang hindi nagbunga ng kasunduan ang usapan dahil kulang sa importanteng impormas-yon ang tao. May hinala na compartmentalized ang hacking sa Bangladesh Central Bank kaya hindi alam ng iba ang papel ng iba sa krimen.

Ang sinubukang i-recruit ng US Federal Reserve Bank sa New York ay si Maia Santos Deguito, ang RCBC Makati branch na hinatulan ng korte na guilty sa salang Money Laundering at sinentensyahan ng 4 hanggang 7 taon pagkakulong pero nakalalaya ngayon dahil sa piyansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy