Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga Pinoy na apektado ng gulo sa Israel ililikas

0 60

Iniulat ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na ang mga Pilipino ay nanatili sa mga lugar na apektado sa nagpapatuloy na sagupaan sa pagitan ng mga puwersang panseguridad ng Israel at mga terorista ng Hamas sa Gaza Strip.

Sinabi ni Cacdac na naghanda ang mga opisyal ng embahada ng mga hakbang na maaaring mangyari upang malayo ang mga Pilipino mula sa Ashkelon, Ashdod at Gaza Strip kung saan may tensiyon.

Ayon kay Cacdac, ang tatlong mga lugar na apektado ng kaguluhan ay kinabibilangan ng Ashkelon at Ashdod na pinakamalapit sa Gaza Strip na papunta sa Tel Aviv.

Sa ngayon aniya ay wala pang naiulat na nasawi sa mga Pilipino sa mga nasabing bansa na may hidwaan.

Nitong Enero ay sinabi ng Department of Foreign Affairs na nasa 29,473 ang mga Pilipino na ang naninirahan at nagtatrabaho sa Israel. Sa bilang na nabanggit karamihan ay nagtatrabaho bilang caregivers at household service workers.

Nabatid na hindi bababa sa 35 ang napatay sa Gaza at lima sa Israel kasunod ng mga airstrike na isinagawa ng mag­kabilang panig – ang pinakamabigat na opensiba sa pagitan ng Israel at Hamas mula noong 2014. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.