Una sa Balita

Mga Pinoy migrant kasamang tinutugis sa UK

0 418

MAGSASAGAWA ang Britain Maritime and ­Coastguard Agency (BMCA) ng search and ­rescue operation laban sa mga migrant na nagtatangkang tumawid sa ­channel para makapasok sa U­nited Kingdom.

Ito ay kasunod ng pagkakasagip ng 86 migrant na nagtangkang pumasok sa UK mula sa France na nasagip noong Miyerkoles ng mga awtoridad sakay ng maliliit na bangka.

Ang mga migrant ay mula sa Afghanistan, ­Ethiopia, Iran, Iraq, Pakistan, Philippines, Turkey, at Vietnam.

Ilan umano sa nasagip ay nasa dagat at ang iba ay nasa baybaying dagat nang mapigil.

Isa umano sa migrant ang isinakay sa helicopter at dinala sa ospital.

Ang ibang nahuling migrant ay dinala sa port town ng Dover kung saan sila gagamutin bago ilipat sa immigration official para sa interview. ­(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy