Una sa Balita

Mga Pinoy matulungin sa panahon ng sakuna

0 297

Dear Abante:

Kasabay ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal ang siya ring patuloy na pagbuhos ng tulong mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno maging ng mga organisasyon at indibidwal.

Salamat sa mga rumespondeng mga karatig na lugar kabilang ang Muntinlupa. Salamat rin sa mga rescuer, volunteer, Armed Forces of the Philippines (AFP), Phili­ppine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang nagbahagi ng pagtulong sa ating mga kababayan.

Alam namin na hindi pababayaan ng gobyerno at kapwa Pilipino ang mga tulad naming may kamag-anakan sa Batangas.

Likas na sa Pilipino ang maging matulungin lalo na sa panahon ng sakuna. Ang pagtulong ay kaakibat na ng tradisyon natin, kaya maraming salamat sa lahat ng patuloy na nagbibigay ng oras at tulong para sa mga taga-Batangas.

Dominique del Rosario

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More