Una sa Balita

Mga Pinoy ligtas sa 7.1 magnitude California quake

0 258

WALANG nasaktang Pinoy sa magnitude 7.1 quake sa California nitong Biyernes, ayon sa Philippine Consul General sa Los Angeles kahapon.

Sinabi ni Los Angeles Consul General Adelio Angelito Cruz sa isang panayam sa DZBB na walang mga Pilipino sa lugar na tinamaan ng lindol ang humingi ng tulong sa embahada matapos ang malakas na pag­yanig.

“We have been reaching out through the different social media sites, Twitter, Facebook, ‘yung website ng consulate. Binigay namin ang aming hotline, ‘yung emergency phone number namin. Awa ng Diyos, wala namang tumatawag,” ayon pa sa konsulado.

“May natatanggap akong text messages ng ating mga kababayan mula sa iba’t ibang lugar sa Southern California na nagsasabing okay naman sila,” dagdag nito.

Wala rin aniyang Pinoy na kailangang ilikas dahil sa nangyaring pagyanig.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy