Una sa Balita

Mga Pinoy kinilabutan sa rebelasyon ni Mandy Moore sa ‘Only Hope’

0 714

Tila nag-time travel ang mga fan nang mapanood si Mandy Moore sa Instagram na kumakanta. Marami ang humiling na kantahin niya ang pinaka-classic and hit song niya na “Only Hope” na theme song ng classic movie na “A Walk To Remember”.

And Mandy Moore did not disappoint them! Pinagbigyan sila ng singer at talagang maraming fan ang hindi napigilan maging emosyonal nang mapakinggan ang kanta.

Ayon kay Mandy, 20 years na nakalipas mula noong kantahin niya ang ‘Only Hope’.

“This is the song I sang one time almost 20 years ago. I’ve sang it once in a concert in the Philippines, but not that long after,” sabi ng aktres.

Nagulat at na-flatter naman ang maraming Filipino fan nang malaman na sa Pilipinas pala niya huling inawit ang kanta.

Well nakakakilabot talaga kung nakanood ka noong live ni Mandy, at mas lalong nakakakilabot nang sabihin niya na sa Pilipinas pala niya huling kinanta ito.

Dapat ay mayroon siyang tour ngayong taon matapos ma-release ang album niya na “Silver Landings” pero hindi ituloy natuloy dulot ng outbreak ng Coronavirus. Ipinahiwatig din ng singer na baka kantahin niya ulit ang favorite ng lahat na “Only Hope” kapag natuloy na nga ang kanyang concert tour.

Dahil diyan, maraming fan ang talagang nasabik at looking forward sa magiging tour ng kanilang idolo. (Athena Yap)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More