Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga Pinoy fan ng Blackpink nabiyayaan ng libreng tiket

0 155

Nagkagulo nga ang mga fan ng Blackpink sa social media nitong Biyernes.

Ang nangyari kasi, ang “The Opening Act”, isang event na ginawa para i-feature ang series of skylight displays nitong Jan. 22, gamit ang drones sa Bonifacio Global City, bilang homage sa sikat na K-pop group ay umabot nang matagal.

Anyway, 7:30 pm talaga ang live streaming, at as early as 1:00pm ay naka-set up na sila, at ang GPS signals naman ay malakas at optimal naman 30-minutes bago ang 7:00 PM countdown. Pero, noong magsisimula na ang show, biglang nag-fluctuate ang signal. Nagsimula sa 5 drones and escalated to 20 drones in just an interval of six minutes.

Hanggang sa nawalan na nga ang GPS and satellite signals. Pero, kahit anong pilit na i-reboot ang drone systems and stabilize drone signal strength, hindi sila nagtagumpay. Kaya tinapos na lang ang live streaming ng 8:25 pm, at tuluyan na ring nakansela ang show.

“Due to circumstances that are beyond our control, we will need to shift our gears and reschedule The Opening Act to a later date. To express our appreciation for all of you who stayed with us tonight, we will be giving away 1000 The Show tickets so you can catch the girls live on January 31,” ang sabi ng mga taga-Globe.

Ang bongga nga namigay ang Globe ng 1000 The Show tickets to Blackpink fans as a gesture of appreciation to those who waited at least two hours during the kick-off event of Korea’s most sought-after girl group concert at the end of this month.

“I love this partnership between Globe and Blackpink because it clearly shows how Globe loves and adores the pinks and blinks! We really are the most spoiled fandom here!” say ng mga fan.

Anyway, sa Jan. 31 na nga mapapanood ang event na ito. At para sa mga detalye, i-follow lang ang Twitter: @talk2GLOBE │ Facebook: Log in or sign up to view. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.