Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga Pinoy `di bilib sa DOH COVID data

0 220

Maraming Pilipino ang tamang duda sa pag-uulat ng Department of Health (DOH) ukol sa bilang ng mga pasyenteng nagpostibo sa COVID-19 sa bansa.

Base ito sa isang survey na ginawa noong Setyembre 17-20 kung saan lumalabas umano na 23% lamang ng mga Pinoy ang naniniwala sa datos na inilalahad ng DOH sa publiko.

May 31% umano ng mga na-survey ang naniniwala na posibleng “under-reported” ang mga nagpositibong kaso ng COVID sa bansa samantalang 39% naman ang may pananaw na maaaring “over-reported” ito.

Pinakamarami umano sa Metro Manila ang tamang duda sa mga datos na inilalahad ng DOH hinggil sa sitwasyon ng pandemya sa bansa habang 14% lang ang naniniwala na posibleng tama ang pag-uulat ng kagawaran.

Nakapagtala naman ng 31% ng mga na-survey sa Mindanao na naniniwala sa COVID data ng DOH habang 24% sa Visayas.

Nabatid na isinagawa ang survey gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone interview.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.