Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga Pinoy artwork galing sa New York matutunghayan na

0 96

Matapos ang 47 taon na pananalita sa Philippine Center in New York (PCNY) nang halos kalahating siglo, matutunghayan na sa bansa ang koleksyon ng sining mula sa mga artist noong 70s.

Ilang taon nang bumusog sa mata ng international audience ang mga nasabing likhang sining pero ngayong Marso, kasabay ng pagbubukas ng National Museum of Fine Arts, matapos ang halos isang taon magmula nang magumpisa ang pandemya, ay makikita na ang 115 artwork mula sa 1974 collection ng PCNY.

Ang PCNY ay tinatag noong May 10, 1973 sa bis ang Presidential Decree 188, nang may intensyong bumuo ng venue para maipakita ang sining at kultura ng Pilipinas sa buong mundo. Noong November 14, 1974 naman ang inagurasyon ng pag-dislay sa nasa 120 artwork ng mga Pilipino.

Kinolekta ito ng National Artist na si Arturo Luz at Wili Fernandez, nang maatasan sila ng noo’y first lady na si Imeda Marcos para maghanap ng mga artwork na kakatawan sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Sinuportahan naman sila ng iba pang artist tulad ni Mauro ‘Malang’ Santos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang sa koleksyon ang 50 Filipino artist, siyam sa mga ito ay mga National Artist na sina Federico Aguilar Alcuaz, Ang Kiukok, Benedicto Cabrera, Jose T. Joya, Cesar Legaspi, Arturo Luz, Vicente Manansala, Jerry Elizalde Navarro at Hernando R. Ocampo.

Kasama rin sa koleksyon ang mga gawa ng mga Pinoy printmaker tulad ni Manuel Rodriguez Sr. na tinaguriang ‘Father of Philippine Printmaking’.

Maaari ring makita ang koleksyon sa 360 virtual tour.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.