Una sa Balita

Mga pelikulang tumalakay sa kapahamakan ng teknolohiya

0 319

Ni: Ruel Mendoza

Biglang naging hit sa social media­ ang Face App.

Ayon sa Wikipedia, “Face App is a mobile application for iOS and Android developed by Russian company Wireless Lab which uses neural network technology to automatically generate highly realistic transformations of faces in photographs. The app can transform a face to make it smile, look younger, look older, or change gender.”

Hindi lang ang ordinary netizens ang nabaliw sa pag-download ng Face App. Kundi na ang local at international celebrities ay ginamit ang Face App para maka-join sa #AgeChallenge.

Pero biglang nagkaroon ng mala­king issue ngayon ang Face App. Ayon sa balita ng CNN, “the app might be a disinformation campaign or secretly downloading your entire photo album. Leaders of the Democratic party warned campaigns to delete the app ‘immediately.’”

Ang US Senate Minority Leader na si Chuck Schumer ay humihingi ng tulong mula sa FBI and the Fede­ral Trade Commission “to open a national security and privacy investigation into the Russian-developed AI photo-editing app.”
Sa isang public letter to FBI Director Christopher Wray and FTC Chairman Joe Simons, Schumer said he has “serious concerns regarding both the protection of the data that is being aggregated as well as whether users are aware of who may have access to it.”

As of today, higit na 150 million na ang nakapag-download ng Face App.
Isang paraan nga raw ang naturang app para ma-hack nito ang ilang private information ng isang netizen. Puwedeng manakaw ang information na ito at magamit sa tinatawag na identity fraud. Puwede nilang ma-manipulate ang paggamit ng credit cards, ATM cards, secret passwords ng kahit na sino at kahit anong malalaking establishments.

Noon pa man ay may pangamba na ang modern man sa paggamit ng high-tech gadgets. Napapadali nga ng mga smart phones at internet ang buhay natin, pero safe nga ba tayo sa anumang impormasyon na binibigay natin?
Heto ang ilang movies na tumatalakay sa dangers of modern technology…

***
WAR GAMES (1983)

Directed by John Badham, ito ang kauna-unahang pelikula na tumalakay sa computer hacking. Isang hacker named David Lightman ang nagkaroon ng successful access sa WOPR (War Operation Plan Response), ng United States military supercomputer originally programmed to predict possible outcomes of nuclear war. Dahil sa kanyang pakikialam, muntik na siyang magsimula ng World War III. Bida rito sina Matthew Broderick, Dabney Coleman, John Wood, and Ally Sheedy. The film was nomina­ted for three Academy Awards.
***

THE NET (1995)

Isang simpleng buhay lang me­ron si Angela Bennett (Sandra Bullock). Isa siyang computer programmer na biglang nalagay sa peligro ang buhay dahil sa pagdiskubre niya sa isang conspiracy ng security system called Gatekeeper at ng mga terrorist. Kaya ng naturang system na palitan at burahin ang mga secret information ng FBI at ng identity ng kahit sino. Directed by Irwin Winkler, ang cyber mystery thriller na ito ay kumita ng $110,627,965 worldwide.

***
HACKERS (1995)

An American crime film na pinagbidahan nila Angelina Jolie at Jonny Lee Miller na ang premise ay the early 1990s, an era when internet was still unfamiliar sa marami. Isang group of teenagers who call themselves “hackers” ay na-involve sa isang corporate extortion conspi­racy. Directed by Iain Softley at kasama rin sa cast sina Renoly Santiago, Laurence Mason, Matthew Lillard, Jesse Bradford, Lorraine Bracco, and Fisher Stevens.

***
ANTITRUST (2001)

Ang cyber thriller na ito about a college graduate (Ryan Phillippe) na na-hire to write software at a multi-billion dollar computer company called NURV. Pero hindi niya alam na ang founder nito at ang mga kasama sa company ay may tinatagong lihim. Nagnanakaw nang palihim ang NURV ng mga security code sa mga high-profile establishment at ang mga hina-hire nilang programmers ay isa-isa nilang pinapatay para walang maka-trace sa kanila. Directed by Peter Howitt­, the film also stars Rachael Leigh Cook, Claire Forlani and Tim Robbins.

***
SWORDFISH (2001)

Isang crime thriller that involves Stanley (Hugh Jackman), isang hacker na nakulong for two years dahil sa pag-penetrate nito sa FBI program ay ginamit ng isang spy named Gabriel (John Travolta) para sa isang bank robbery conspiracy. Kahit ayaw, kapit sa patalim si Stanley dahil kailangan niya ng pera para sa custody ng kanyang anak. Directed by Dominic Sena, kasama rin dito sina Halle Berry (na first time na nag-topless sa isang eksena to the tune of $2.5 million talent fee), Don Cheadle, Vinnie Jones and Sam Shepard.

***
FIREWALL (2006)

Ang crime thriller na ito na pinagbidahan ni Harrison Ford as a security specialist na nag-design ng isang theft-proof computer system ng isang bank ay biglang nalagay sa alanganing situwasyon nang i-hostage ang kanyang pamilya at may bantang papatayin sila kung hindi niya tutulungan ang mga ito na magnakaw ng $100 million mula sa bangko na ginawan niya ng security system. Directed by Richard Loncraine, it also stars Paul Bettany, Alan Arkin and Virginia Madsen.

***
EAGLE EYE (2008)

This American espionage action thriller film directed by D. J. Caruso, ay tungkol kina Jerry and Rachel, na nagkakilala dahil sa isang mysterious calls mula sa babaeng hindi nila kilala. Pinagbantaan silang papatayin nito ang kanilang pamil­ya kung hindi sila susunod sa mga pinag-uutos niya. Walang kawala ang dalawa dahil nakikita at nasusundan sila nito sa pamamagitan ng kanilang cellphones at iba pang hi-tech gadgets. Bida rito sina Shia LaBeouf, Michelle Monaghan and Billy Bob Thornton. The film grossed $178 million worldwide.

***
THE SOCIAL

NETWORK (2010)

Mula sa direksyon ni David Fincher, ginampanan dito ni Jesse Eisenberg ang Harvard student and computer genius na si Mark Zucker­berg at ang kanyang crea­tion of a social networking site na kung tawagin ay Facebook. Pinakita rito ang pakikipaglaban ni Mark sa Winklevoss twins (Armie Hammer) at Divya Narenda (Max Minghella) para sa ownership ng Facebook. Nasa pelikula rin kung paano nasira ng kanyang talino ang kinaiingat-ingatan niyang relasyon sa kanyang kaibigan na si Eduardo Saverin (Andrew Garfield). Dahil sa Facebook ay naging youngest self-made billionaire si Zuckerberg. May value na $25 billion ang Facebook with over 500 million members worldwide. The film received eight Oscar nominations, including for Best Picture, Best Director, and Best Actor for Eisenberg, and won three: Best Adapted Screenplay, Best Original Score, and Best Film Editing.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy