Una sa Balita

Mga pelikulang tumalakay sa abortion, umani ng parangal

0 262

Malaking issue ngayon sa Estados Unidos ang pag-ban ng ilang states sa abortion.

Ang mga US states na Alabama, Arkansas, Georgia, Kentucky, Mississippi, North Dakota and Ohio ay naglagay ng ban on abortion and has considered it a crime.

Maraming kababaihan ang nagpoprotesta nga­yon dahil sa kanilang karapatan to choose whe­ther to keep or terminate their pregnancy. Karamihan daw kasi ng kababaihan sa Amerika ay biktima ng rape and incest kaya “unwanted” ang kanilang pagbubuntis.

Kaya meron nang debate sa mga “pro-choice” at “pro-life.” At sa recent survey na ginawa sa maraming kababaihan, 29% of respondents believed abortion should be legal in all circumstances, and 50% of respondents believed that abortion should be legal under certain circumstances.

Samantalang 34% of Americans were satisfied with abortion laws.

Ating balikan ang ilang mga pelikula na tumata­lakay sa sensitibong usapin tungkol sa abortion…

***

ROE VS. WADE (1989)
Ang TV-movie­ na ito ay tungkol sa na­ging landmark case noong 1973 sa United States Supreme Court.
Kuwento ito ni Ellen Russell (played by Holly Hunter) na isang single and poorly educated Texan na nabuntis at wala siyang kakayahan na masuportahan at buhayin ang bata. Nagdesisyon itong magpa-abort pero she was denied to have one in Texas. Kumuha ng abogado si Ellen na si Sarah Weddington (Amy Madigan) para ipaglaban niya ang kanyang karapatan kahit na umabot pa ito sa US Supreme Court.
Nanalo ang TV-movie na ito sa 1989 Emmy Awards bilang Best Drama Special at Best Lead Actress in a Mini-Series or Special for Holly Hunter.

***

A PRIVATE MATTER (1992)
Base on a true story ni Sherri Finkbine (played by Sissy Spacek), isang kilalang TV actress na gustong ipa-abort ang kanyang ika-limang pregnancy dahil sa nakitang deformalities sa kanyang fetus sanhi ng controversial drug na Thalidomide na nakakagamot daw ng morning sickness sa mga buntis pero nagkaroon ito ng hindi magandang side effect.
Pinakita sa pelikula ang harassment na pinagdaanan ng pamilya ni Sherri dahil sa hangad niyang magkaroon ng legal abortion.

***

CIDER HOUSE RULES (1999)
This American film direc­ted by Lasse Hallstrom ay tungkol sa isang orphan na si Homer Wells (Tobey Maguire) na lumaki sa isang orphanage sa Maine na pinapatakbo ni Dr. Wilbur Larch (Michael Caine) na nagpe-perform ng safe but illegal abortions.
Tine-train na ni Dr. Larch si Homer kung paano mag-perform ng abortion, pero hindi niya ito kayang gawin.
Nanalo ng dalawang awards ang “Cider House Rules”: Best Screenplay Adaptation and Best Supporting Actor for Caine sa 72nd Academy Awards.

***

IF THESE WALLS COULD TALK (1996)
Ang made­-for-cable film na ito ay kuwento ng tatlong babae (Demi Moore, Sissy Spacek, and Cher) na ang kanilang kumplikadong buhay ay naganap sa iisang bahay lamang.
Si Demi ay si Claire, isang widowed nurse noong 1952 na nabuntis ng kanyang brother-in-law at dahil illegal pa ang abortion, naghanap siya ng taong gagawa nito sa bahay pero ito ang ikinamatay niya.
Si Sissy ay si Barbara, an aging mother of four in 1974 na nadiskubre na buntis siya ulit. Naisip niyang ipa-abort ang bata dahil sa financial situation nila. Pero hindi niya tinuloy ang pagpapa-abort.
Si Cher naman ay si Beth, isang abortion doctor in 1994. Kahit na ligal na ang abortion, marami pa ring anti-abortion protest na nagaganap. Sa isang abortion operation ni Beth sa kanyang clinic, binaril siya ng isang protestor.
Naging highest-rated HBO movie in history ang “If These Walls Could Talk.”

***

JUNO (2007)
Ang coming of age teen comedy na “Juno” ay pinagbidahan ng aktres na si Ellen Page as Juno McGruff, isang 16-year-old na nabuntis ng kanyang kaibigan at pinag-iisipan niya kung ipapa-abort ba niya ito o hindi?
Pinapakita rin ng pelikula na dinirek ni Jason Reitman ang independent mind ng isang teenager tungkol sa unplanned pregnancy niya at ang mga consequences kung sakaling ituloy or hindi ang kanyang abortion.
Sa bandang huli, tinuloy niya ang pagbubuntis pero pinaampon niya ang kanyang baby.
Juno won the Oscar for Best Original Screenplay. Nanalo naman si Ellen ng numerous best actress awards mula sa Independent Spirit, National Board of Review, Satellite Awards and the Canadian Comedy Awards.

***

REVOLUTIONARY ROAD (2008)
Based on the 1961 novel of the same name, ang British-American film na ito ang nagsilbing reunion film ng “Titanic” stars na sina Leonardo Di­Caprio and Kate Winslet.
Directed by Sam Mendes, Leo plays Frank Wheeler, isang longshoreman or waterfront laborer na nangangarap ng mas magandang buhay para sa kanyang pamilya. Kate is April, isang cashier at nangangarap na maging isang film actress.
Malaki ang problema sa pagsasama nila Frank and April. Pareho silang nagkaroon ng affair at naging kumplikado ang lahat sa muling pagbubuntis ni April. Ikinamatay ni April ang pag-perform niya ng vacuum aspiration abortion.

***

HINUGOT SA LANGIT (1985)
Ang pelikulang ito na dinirek ni Ishmael Bernal ay tungkol kay Carmen (Maricel Soriano) na nabuntis ng kanyang boyfriend na si Jerry (Al Tantay) pero sina-suggest nito na ipa-abort niya ang bata.
Hindi makapagdesisyon nang tama si Carmen dahil sa kinokonsensya siya ng kanyang landlady na si Aling Ju­ling (Charito Solis) na aktibo sa pag-attend ng Bible Study. Nag-offer naman ang kanyang childhood boyfriend na si Bobby (Rowell Santiago) na siya ang tatayong ama ng bata basta pakasalan siya nito para mabuo ang mga plano niya sa buhay.
Ang tanging pinapakinggan ni Carmen ay ang liberated cousin niya na si Stella (Amy Austria) na naniniwala na si Carmen lang ang makakapagdesisyon sa buhay niya.
Sa kabila ng lahat, tinuloy ni Carmen ang abortion at pinagpatuloy niya ang bagong buhay niya.
Nanalo ng apat na awards sa 1986 Gawad Urian ang “Hinugot Sa Langit”: Best Direction, Best Editing, Best Production Design and Best Sound. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy