Una sa Balita

Mga pelikulang nagpakilig sa mga fan

By
0 596

Aga-Aiko, Lloydie-Bea, Robin-Regine mahirap pantayan

DAHIL malapit na ang Valentines’ Day, magi­ging abala ang mga lover sa araw na ito. Kung hindi manonood ng concert, nandiyan naman ang sine at pati na ang sandamakmak na motel na may special discount.

Pero dahil maraming taong lalabas sa Araw ng mga Puso, mas magandang sa bahay na lang mag-date para walang traffic at iwas init ng ulo pa.

Kaya naman nilista namin ang Top 12 romantic-comedy films na lalong magpapakilig sa mga nagmamahalan on V-Day.
Kung walang DVD copy, uso naman ang streaming online para ma-enjoy ang pag-evolve ng Pinoy rom-com sa mga nagdaang taon…

***
MAY MINAMAHAL (1993)
Mula sa panulat at direksyon ni Jose Javier Reyes, bida rito sina Aga Muhlach at Aiko Melendez bilang sina Carlitos at Monique. Tinatalakay ng pelikulang ito kung ano ba ang mas mahalaga sa isang tao? Ang obligasyon niya sa kanyang pamilya o ang pagmamahal niya sa babaeng nagpapasaya sa kanya? Isa sa maituturing na best rom-com in the past 20 years na hindi naluluma ang kuwento.

***
SANA MAULIT MULI (1995)
Isang dahilan ang muling pagtatambal nila Aga Muhlach at Lea Salonga kaya naging isang box-office hit ang pelikulang itong sinulat at dinirek ni Jose Javier Reyes. Kuwento ito ng magsyotang Agnes at Jerry na pinaghiwalay at muling pinagtago dahil sa hindi mawalang pag-ibig nila sa isa’t isa. Mula sa direksyon ni Olivia Lamasan, kinunan ang karamihan ng eksena ng pelikula sa Amerika.

***
RADIO ROMANCE (1996)
Written and directed by Jose Javier Reyes, umiikot ang kuwento sa isang FM radio program na Radio Romance kunsaan nakikinig at nagpapadala ng kanilang liham sa problema nila sa pag-ibig ang mga bida ng pelikula na sina Claudine Barretto, Rico Yan, Sharmaine Arnaiz, Robin da Roza, John Estrada, Paolo Abrera at Gelli de Belen bilang librarian na nagmu-moonlight bilang isang Radio Romance DJ.

***
LAGING NAROON KA (1997)
Ang pelikulang ito, na dinirek ni Don Escudero, ang nagpatunay sa box-office magic ng tambalang Angelu de Leon at Bobby Andrews. Kuwento ito ng modern girl na si Tricia at ng lola’s boy na si Quinito na galing sa magkaibang family setting kaya magkaiba ang pana­naw nila pagdating sa pag-ibig.

***
PUSONG MAMON (1998)
Isang kakaiba at nakakatuwang love triangle ang nabuo sa pelikulang ito na dinirek ni Joel Lamangan. Kuwento ito ni Annie (Lorna Tolentino) na sa sobrang pagka-in love sa kanyang boss na si Ron (Albert Martinez) na nilasing niya ito at nagpabuntis siya. Hindi niya alam na bading ito at may love­r na si Nick (Eric Quizon). Anong kaguluhan ang magaganap kapag nagsama silang tatlo sa iisang bahay?

***
KAILANGAN KO’Y IKAW (2000)
Unang tambalan ito nina Robin Padilla at Regine Velasquez na dinirek ni Bb. Joyce Bernal. Kuwento ito ng sikat na singe­r na si Francine na despite of her success ay hindi siya masaya. Kuwento rin ito ni Gimo na isang ordinaryong mekaniko na pinagliliban ang lovelife para sa kanyang kapatid na may sakit. Pero dahil sa isang promo contest na Date With A Star ay magtatagpo ang landas ng dalawa at unti-unting mababago ang buhay nila.

***
ONE MORE CHANCE (2007)
Isa sa pinaka-successful na pelikula nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na nagbigay sa kanila ng titulong Box-Office King and Queen. Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, kuwento ito ng college sweethearts na sina Popoy at Basha na umabot na sa saturation point ang kanilang relasyon at kailangan na nilang maghiwalay. Pinakita rin ng pelikula ang mga maling desisyon, pagsisisi at ang pagpapatawad. Nagkaroon ito ng sequel na A Second Chance in 2015 kunsaan problema ng mag-asawa ang hinarap naman nila Popoy at Basha.

***
A VERY SPECIAL LOVE (2008)
Naging 7th highest grossing Filipino film of all time ang unang tambalan na ito nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, kuwento ito ni Laida na nagtrabaho sa magazine ng matagal niyang crush na si Miggy. Unti-unting binago ni Laida ang hindi magandang personality ni Miggy sa pamamagitan ng kanyang positivity at tunay na pagmamahal.

***
THAT THING CALLED TADHANA (2014)
Ang pelikulang nagpauso ng word na “hugot” at isa sa paboritong panoorin ng mga nasawi sa love. Sa direksyon ni Antoinette Jadaone, kuwento ito nina Mace (Angelica Panganiban) at Anthony (JM de Guzman) na aksidenteng nagkita sa isang aiport at sabay na uuwi ng Pilipinas. Kapwa sawi sa pag-ibig ang da­lawa at nagtulungan silang mag-move on habang kinikilala nila ang isa’t isa.

***
ENGLISH ONLY, PLEASE (2014)
Unang tambalan ito nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay na humakot ng maraming awards sa Metro Manila Film Festival. Mula sa direksyon ni Dan Villegas, kuwento ito ni Julian na naghahanap ng isang Filipino-English translator para mai-translate ang isang sulat niya para sa babaeng iniwan siya. Na-hire niya online si Tere na isang expert translator pero may sariling problema rin sa kanyang buhay pag-ibig.

***
CRAZY BEAUTIFUL YOU (2015)
Isa sa box-office hit movies ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o Kath­Niel. Mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar, kuwento ito ng spoiled brat na si Jackie na sinama ng kanyang ina sa isang medical mission kunsaan nakilala niya ang isang jologs na si Kiko. Kay Kiko mararanasan ni Jackie ang isang buhay na pagpapamulat sa kanyang mga mata na masuwerte siya at hindi dapat tine-take for granted ang mga taong nagmamahal sa kanya.

***
MY EX AND WHYS (2017)
Ang highest-grossing film ng tambalang LizQuen nina Liza Soberao at Enrique Gil. Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, kuwento ito ni Gio na gustong patunayan sa kanyang blogger ex-girlfriend na si Cali na nagbago na ito sa kanyang pagiging babaero. Pero dinaan sa ilang pagsubok ni Cali si Gio para malaman kung totoong nagbago na ba ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy