Una sa Balita

Mga pelikulang ipinaglaban ang karapatan, dangal ng kababaihan

By
0 849

Ang buwan ng Marso ay sine-celebrate ang International Women’s Day (IWD).

Tuwing March 8 ng bawat taon ay nagkakaroon ng movement for women’s rights para ma-empower ang mara­ming kababaihan at malaman nila ang kanilang mga karapatan bilang miyembro ng society na kinabibilangan ng ma­raming kalalakihan.

Today, International Women’s Day is a public holiday sa ilang bansa tulad sa Afghanistan, Angola, Armenia, Azerbaijan, Belarus, Burkina Faso, Cambodia, China (for women only), Cuba, Georgia, Gui­nea-Bissau, Eritrea, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Laos, Madagascar (for women only), Moldova, Mongolia, Nepal, Russia, Tajikistan, Turkmenistan, Uganda, Ukraine, Uzbekistan, Vietnam and Zambia.

Sa ilang bansa, tulad ng Pilipinas, hindi ito tinuturing na isang national holiday pero nagiging day of protest ito para sa ilang women’s group ng bansa tulad ng Gabriela at ang One Billion Rising Phi­lippines para mabigyan ng importansya ang mga sakripisyo ng maraming kababaihan.

In celebration of IWD, heto ang ilang local films that celebrates womanhood. Ito ang mga pelikulang pinapakita ang tapang, talino, pagtitiis, pakikipaglaban at pagwagi ng isang babae.

SISTER STELLA L (1984)

Mula sa direksyon ni Mike de Leon, bida rito si Vilma Santos bilang ang madreng si Sister Stella na nabuksan ang mata sa matinding kahirapan ng ma­raming mamamayan. Una siyang na-involve sa isang on-going labor strike hanggang sa sumama na siya sa isang malawakang protesta para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng isang labor union leader.

MORAL (1982)

Isang pelikula na tungkol sa pagkakaibigan ng apat na babae: Si Joey (Lorna Tolentino) na isang independent woman na hindi sumusunod sa dikta ng society, si Kathy (Gina Alajar) na may mga sari­ling pangarap na gustong matupad, si Sylvia (Sandy Andolong) na isang liberated woman at tanggap ang pakikipagrelasyon ng kanyang mister sa ibang lalake at si Maritess (Anna Marin) na isang housewife na ginawang palahian ng kanyang mister. Tinahi-tahi ng direktor na si Marilou Diaz-Abaya ang buhay ng apat na babaeng ito na, bagama’t mga desperada, nandiyan pa rin sila para sa isa’t isa.

WORKING GIRLS (1984)

Isang comedic ensemble na dinirek ni Ishmael Bernal na tungkol sa pitong Makati girls na sina Carla (Hilda Koronel), Isabel (Rio Locsin), Anne (Chanda Romero), Suzanne (Carmi Martin), Rose (Ma­ria Isabel Lopez), Amanda (Baby Delgado) at Nimfa (Gina Pareno) na may kanya-kanyang ambisyon at hinaing sa buhay at kung paano ito maapektuhan ang personal nilang relasyon sa kanilang pamilya, kaibigan, asawa at boyfriend.

ANDREA, PAANO BA ANG MAGING ISANG INA? (1990)

Mula sa direksyon ni Gil Portes, bida rito si Nora Aunor bilang si Andrea, isang aktibista na dahil sa pagpatay sa kanyang mister ng militar ay napilitang iwan ang kanyang anak sa isang kaibigan. Ang kanyang karapatan bilang isang ina at bilang isang babaeng lumalaban sa kamalian at taliwas na gawain ng gobyerno ang siyang naghatid sa kanyang hu­ling hantungan.

INANG YAYA (2006)

Pinagbidahan ni Maricel Soriano ang indie film na ito na tungkol sa isang ina na nagtatrabaho rin bilang isang yaya sa anak ng isang mayamang pamilya. Ang lungkot at hinagpis ng isang na­ngungulilang ina na hindi kayang maalagaan ang kanyang sariling anak ang pinakita rito ng direktor na sina Pablo Biglang-Awa at Veronica Velasco.

BARBER’S TALE (2013)

Kuwento ito ni Marilou (Eugene Domingo) na isang biyuda na napilitang patakbuhin ang negosyong barbero ng kanyang yumaong asawa noong panahon ng Marcos regime. Sa kanyang tagong barbero namulat at nasaksihan ni Marilou ang ilang problema at nakakasindak na mga pangyayari na siyang nagpatapang sa kanya bilang isang babae. Dinirek ito Jun Lana.

MULANAY: SA PUSOD NG PARAISO (1996)

Isang pelikula ni Gil Portes na base sa tunay na buhay nila Dr. Ria Espinosa (Jaclyn Jose) at isang midwife na si Norma (Gina Alajar). Nakilala nila ang isa’t isa sa Barrio Mulanay, isang remote island sa Quezon na dinarayo ng mga tinatawag na Doctors to the Barrios. Sa kanilang pagtutulungan ay nadiskubre nila na hindi lang tulong medikal ang kaila­ngan ng mga taga-Mulanay kundi ang pagkakaroon ng pagkakaisa para malutas ang ilang mga perso­nal na pangangailangan.

MAGDUSA KA! (1986)

Dinirek ni Eddie Garcia mula sa komiks serial ni Pablo Gomez, kuwento ito ni Christine (Dina Bonnevie) na anak ng isang labandera na si Toyang (Nida Blanca) na nabuntis ng mayamang amo nito na si Bernando (Dindo Fernando). Ang mga pagwawagian na pagsubok ni Christine ay ang mapaghusga niyang lola na si Perla (Armida Siguion-Reyna), ang mag-inang Oli­va (Liza Lorena) at Millet (Pinky Amador) na pilit na aagawan siya ng mana at ang kumplikadong relasyon niya kay Rod (Christopher de Leon).

THE MAGGIE DELA RIVA STORY (1994)

Based on true accounts sa naging kidnap and rape case ng sikat na singer-actress na si Maggie dela Riva noong 1967. Sa pagsa­sapelikula nito sa unang pagkakataon, pinakita si Maggie bilang isang biktima na hindi tumahimik at nilabanan niya ang puwersa ng apat na lalake na mula sa maimpluwensiyang pamilya hanggang sa makamit niya ang hustisya. Pinagbidahan ito ni Dawn Zulueta at mula ito sa direksyon ni Carlo Caparas.

BATA, BATA PAANO KA GINAWA? (1999)

Mula sa direksyon ni Chito Rono na hango sa celebrated novel ni ­Lualhati Bautista, ito ay kuwento ni Lea (Vilma Santos) isang women’s right advocate na may sariling pinagdaraanang krisis sa kanyang buhay. Una ay ang kanyang da­lawang anak na sina Ojie (Carlo Aquino) at Maya (Serena Dalrymple) na magkaiba ang apelyido dahil sa magkaiba ang kanilang ama. Panga­lawa ay ang pakikipagbuno niya sa ama ng kanyang mga anak na sina Ding (Albert Martinez) at Raffy (Ariel Rivera). At pangatlo ay ang pagtanggap sa kanya sa society na walang paghuhusga dahil isa siyang babae na nagmahal ng dalawang lalake.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy