Una sa Balita

Mga pekeng Comelec ID, atbp nasamsam sa printing shop

By
0 304

ARESTADO ang may-ari ng isang printing shop na gumagawa ng pekeng dokumento matapos ang isinagawang raid ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakalawa sa Cotabato City.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Adamson Areola Yap, may-ari ng Adamson Printing Shop na matatagpuan sa kahabaan ng Jose Lim St. Barangay Poblacion 5 ng nasabing lungsod.

Nakuha sa raid ang mga pekeng Commission on Election (Comelec) identification card, school ID, driver’s license, gayundin ang mga pekeng Philippine National Police (PNP) at barangay clearance.

Ayon kay Marlon Toledo, supervising agent ng NBI-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ikinasa ang raid matapos ang mga reklamong natanggap ng ahensya hinggil sa iligal na operasyon ng printing press na gumagawa ng mga pekeng Comelec ID at iba pang pekeng public document.

Itinanggi naman ni Yap ang akusasyon na iligal ang ginawa ng kanyang negosyong prin­ting press.

Patuloy ang imbestigasyon hinggil sa nasabing kaso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy