Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga PDL sa Cavite Provincial Jail binulaga

0 66

Binulaga ng sorpresang inspeksiyon ng Provincial Jail Management (PJL) ang Cavite Provincial Jail sa Trece Martires City, Cavite kahapon ng umaga.

Ganap na alas-5:45 ng madaling-araw nang bulagain ng PJL at Trece Martires City Police Station sa pamumuno ni officer-on-charge PMaj John Asnan ang CPJ sa Brgy. Lapidario, Trece Martires City at sorpresang ininspeksiyon ang mga pasilidad kabilang ang mga selda at PDL dito.

Kasamang ginalugad ang 10 dormitoryo kung saan nakakulong ang 480 PDL – 384 dito ay mga lalaki habang 96 naman ang mga babae.

Natapos ang sorpresang paggalugad ganap na alas-7:30 ng umaga at wala namang nakitang ilegal na kontrabando sa pasilidad.

Ayon kay PCJ director Gil Torralba, ginagawa nila ang sorpresang inspeksiyon bilang preemptive measures para maiwasan ang pagtatago at pagpupuslit ng ilegal na droga at kontrabando sa loob ng pasilidad. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.