Una sa Balita

Mga PBA team nagpasahod kahit kanselado ang PH Cup

0 542

Hindi ibinitin ng PBA teams ang suweldo ng kanilang mga tao kahit kanselado ang Philippine Cup.

Walang kasiguruhan kung hanggang kailan ang kanselasyon ng torneo, pero kapag nawala na ang banta ng coronavirus ay itutuloy.

March 11 nang ihayag ni commissioner Willie Marcial ang pagpapatigil ng mga laro. Pangalawang game day pa lang sana ‘yun ng 45th season.

Siniguro ng 12 teams na tuloy ang pagtupad nila sa kani-kanilang obligasyon sa players, coaches at team staff kahit walang laro.

“Bago pa pumutok nang husto ng problema, nag-decide na ang PBA Board na hindi natin pababayaan ang mga tao natin,” ani Marcial.

Kahit ang mga game-day employees na sumusuweldo lang kapag may laro ay hindi pinabayaan ng liga.

Sila ang mga non-regular employees tulad ng statisticians, table officials, gatekeepers, entertainment at parking personnel.

“Tinutulungan namin sila. Part sila ng PBA family, hindi namin sila pababayaan,” paniniguro ni Marcial. “Hanggang mayroong ganitong problema at sitwasyon, tutulong kami. Kahit two, three months (cancellation), tutulong kami.”

Pinasimulan ni coach Jeff Cariaso at ng Alaska Aces ang fund drive para sa non-regular employees, mabilis na nangako ng ambag ang ilang players.

Sa 12 team sa pro league, may tatlo si Ramon Ang na kinabibilangan ng San Miguel Beer, Barangay Ginebra San Miguel at Magnolia Pambansang Manok Hoptshots. Kay Manuel Pangilinan naman ang TNT, Meralco at NLEX. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More