Una sa Balita

Mga PBA Legend dayo sa Lucena, Bulacan

By
0 916

DADAYO ang mga Legend sa L­ucena City. Ito ay binuo ng batikang promoter/sports agent na si Malou Aquino.

Ito ay gaganapin sa Quezon Convention Center, 7pm ang laro. Ang kalaban ay ang Jams Twinboys of S­ariaya.

Ang mga tampok na manlalaro ay sina Allan Caidic, Alvin Patrimonio, Kenneth Duremdes, Marlou Aquino at Vince Hizon.

Kasama ang bagong Legends na sina sina Denok Miranda, Jondan Salvador, Gary David, John Ferriols at Willie Miller.

***

Sa Pandi, Bulacan naman darating ang mga PBA Legend sa inyong lugar tulad nila Marlou Aquino, EJ Feihl, Johnn­y Abarrientos, Eddie Laure, Bal David, Vince Hizon, Vergel Meneses at Alvin Patrimonio.

Sila ay maglalaro at magbibigay ng konting saya sa loob ng court. Pakihanda niyo na rin mga Pandian ang cell phones para sa IGs, selfie, FB atbp.

***

Belated Happy Birthday sa sweetheart ko na si Mary Jean Codiñera!