Una sa Balita

Mga patok na extreme water activity dinarayo sa CDO

0 347

NAGSISIMULA na ang pagdagsa ng mga bakasyonista sa Cagayan de Oro para subukan ang iba’t ibang patok na extreme water activity sa lungsod, na isa sa mga dahilan ng patuloy na pagbalik ng mga turista kada taon.

Una sa binibisita ng mga bakasyonista ang Cagayan de Oro River, na siyang naghahati sa Bukidnon at Cagayan de Oro City. Dinarayo ang nasabing ilog dahil sa kapana-panabik na whitewater rafting na ginagawa dito.

Mayroong apat na rapid trail na puwedeng pagpilian ang mga turista: Beginners, Advanced, Expert, at Extreme.

Ang Beginners course ay pasok para sa mga first timer, habang ang Advanced at Expert naman ay inirerekomenda para sa mga gusto ng intense rapids. Samantala, ang Extreme course ay inaalok sa mga may matagal na karanasan sa whitewater rafting.

Bukod sa whitewater rafting, ipinagmamalaki rin ng Cagayan de Oro na isa ito sa mga lungsod na dinarayo para sa whitewater kayaking.

Hindi tulad sa whitewater rafting na kailangan ang teamwork, ang whitewater kayaking ay para sa mga thrillseeker na gustong mag-solo.

Isa rin sa pinupuntahan sa lungsod ang Mapawa Nature Park, na may iba’t ibang water activity para sa mga bakasyonista. Kabilang sa mga patok sa tu­rista ang obstacle course, river trek, at canyoneering.

Kamakailan lang, binalaan ni City Mayor Oscar Moreno ang mga travel agency na striktong magpatupad ng mga safety measure para sa kanilang mga extreme water activity, kung hindi ay isususpindi sila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy