Una sa Balita

Mga patay na isda na inanod sa Las Piñas-Parañaque, ibinaon na sa hukay

0 325

Ibinaon na sa baybayin ang nasa dalawang tolenadang mga patay na isda na naglutangan sa dalampasigan ng Las Piñas at Parañaque City, Huwebes ng hapon.

Ayon kay Nilo Jermedia ng Parañaque City Agriculture and Fisheries Office, lumalabas sa pagsusuri na sumabog na dinamita ang posibleng dahilan ng ikinamatay ng mga isda.

Kumuha sila ng sample ng buhay pa na isda na lumutang sa lugar at nakita dito na bugbog umano ang katawan ng isda at bali-bali umano ang maliliit na tinik nito, na posibleng pinasabog.

May mga nagsasabing namatay ang mga isda dahil sa nagbago umano ang temperatura ng tubig at nawalan ng oxygen ang mga ito.

Hinala naman ng Bureau Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sa ibang lugar ginamitan ng dinamita ng ilang mangingisda at inanod lang ang mga patay na isda.

Ayon kay Jermedia, nagtulungan na ang PNP maritime personnel, BFAR at Parañaque City LGU sa paghuhukay at pagbabaon sa mga patay na isda.

Ngunit aniya, patuloy pa rin silang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng halos 30 banyera ng iba’t ibang uri ng isda na aabot sa P1 milyong halaga. (armida d. rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy