Una sa Balita

Mga pasaway sa smoking ban pakainin ng sigarilyo — Digong

0 310

By Aileen Taliping

Mayroong mabisang paraan para tumino at sumunod ang mga pasaway sa smoking ban.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipakain ang sigaril­yo sa mga mahuhuling hindi sumusunod sa kanyang direktiba na nagbabawal mani­garilyo sa mga pampublikong lugar sa bansa.

Dalawang taon na ang Exe­cutive Order ng Pangulo laban sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, subalit marami pa rin ang sumusuway at kapag nasita ay ikinakatwirang hindi alam na bawal na pala ang manigarilyo.

Sinabi ni Pangulong Duterte na madali lamang mapasunod ang mga sunog-baga sa pamamagitan nang pagtutok ng baril sa ‘balls’ ng mga ito at saka ipakain ang sigarilyo.

Wala aniyang may gustong mawalan ng bayag kaya tiyak na magtitino ang mga mahilig manigarilyo at susunod sa kautusan ng gobyerno.

“Cigarettes, I will let you eat that. I will feed it to the sarcastic ones. That’s easy. Just point your gun at his balls and then let him eat cigarette. He’s gonna eat the cigarette. He doesn’t want to lose his balls, so that’s it,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na kailangang magpakita ng kamay na bakal para tumino ang mga hindi nakikinig at hindi sumusunod sa gobyerno.

“People don’t want to be humiliated. So if you show him an example, he will straighten up,” dagdag pa ng Pangulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy