Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga pasaway na biyahero hihiyain

0 317

Pinag-aaralan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang posibleng pagsasapubliko sa pangalan ng mga biyahero na hindi maglalagay ng tamang personal na impormasyon sa kanilang health declaration form pagdating sa Pilipinas.

Sinabi ni Duque na ikokonsulta niya sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, Department of Justice at Department of the Interior and Local Government ang legal na implikasyon ng kanyang panukala.

“There are legal implications in having their names printed or published para malaman ng kapitbahay, na `ito pala `yon hinahanap ka’,” ani Duque sa panayam sa CNN.

Sa ngayon aniya, ipagpapatuloy lang muna nila ang pagpapaalala sa mga tao na ilagay ang tamang kasagutan sa mga tanong sa kanilang health declaration form.

Titiyakin aniya ng gobyerno kung hanggang saan dapat ipaalam ng publiko ang kanilang personal na impormasyon partikular na ngayong may krisis sa bansa.

Sini

Siniguro ni Duque na ikakasa niya ang paglantad sa pangalan ng mga pasaway na pasahero.

“I will see to what extent I can do that because I strongly feel that this is a weakness in the system and sometimes unintended consequences of laws that weaken the ability to do more effective contact tracing or bactkracing,” ani Duque.

5 mula South African natunton

Natagpuan na ang lima pa sa walong biyaherong pinaghahanap na galing sa South Africa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, natunton ng mga awtoridad ang limang biyahero habang pinaghahanap ang dalawa pa.

Aminado si Vergeire na nahirapan sila mahanap ang mga biyahero dahil umano sa pagbibigay ng mga ito ng maling impormasyon.

Plano naman kasuhan ang mga ito kung mapapatunayan na sinadya ang pagbibigay ng maling detalye.

Hinimok naman ng Malacañang ang tatlong biyahero na magpakita na at dumulog sa mga awtoridad para ma-check kung may peligro sila sa Omicron variant.

“Panawagan na lamang doon sa tatlo, ang hiningi lang natin ay ang kooperasyon ninyo so pumunta na agad at mag-report sa authorities. Napakaimportante po ng inyong kooperasyon especially na may kinakaharap po tayong pandemic, itong public health emergency po natin so we ask for your cooperation,” ani acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles.

Nabatid na may multang hanggang P50,000 at pagkakulong ng hanggang anim na buwan ang mga taong lalabag sa Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act. (Juliet de Loza-Cudia/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.