Una sa Balita

Mga pasaway di nakatutulong sa giyera vs COVID – DOH

0 334

Ang pagiging pasaway at hindi pagsunod ng maraming Pilipino ang dahilan kung bakit hindi pa rin bumababa ang bilang ng kaso ng mga kinapitan ng coronavirus disease 2019 sa bansa.

Ito ang obserbasyon ng Department of Health (DOH) simula ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bagamat halos kalahating buwan na simula ipatupad ang ECQ ay patuloy pa ring tumataas ang bilang ng mga namamatay at nagpo-positibo sa COVID-19.

Mayroon aniyang butas sa ipinapatupad na social distancing dahil marami pa ring lumalabas ng bahay sa kabila ng pakiusap ni Pangulog Rodrigo Duterte na manatili lamang ang mga tao sa loob ng bahay.

“Nakikita po nating mayroon pa ring gaps sa ating interventions, doon sa social distancing natin. Marami pa rin hong mga tao ang lumalabas sa kanilang mga bahay,” ani Vergeire.

Dapat aniyang i-evaluate ng mga awtoridad ang ipinapatupad na panuntunan sa social distancing measures para mabawasan ang pagkahawa sa virus.

Sinabi ni Vergeire na hindi pa rin masasabing ligtas na ang mga Pinoy sa COVID-19 kahit pa may ECQ dahil marami pa ring mamamayan ang hindi sumusunod dito. (Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More