Una sa Balita

Mga pasahero ng CebuPac inalarma

0 527

NANAWAGAN ang Cebu Pacific sa mga pasahero ng kanilang Hong Kong-Manila flight noong Miyerkoles na magpakonsulta sa doktor kung nakararamdam na sila ng sintomas ng flu.

Ginawa ng airline company ang pa­nawagan matapos makasama sa Flight 5J 111 ang pamilya ng lalaking nagpositibo sa novel coronavirus.

Sa press conference noong Miyerkoles, kinumpirma ni Hong Kong Health Minister Sophia China na ang apat na miyembro ng pamilya ng pasyente ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport pasado ala-una nang hapon noong Miyerkoles. Naiwan sa Hong Kong ang lalaking nagpositibo sa coronavirus.

Nabatid na dumaan sa masusing ­screening ng Bureau of Quarantine ang mga pasahero at crew ng nasabing eroplano “None of the passengers and crew were held for further observation,” ani Cebu Pacific Corporate Communication Director Charo Logarta Lagamon.

Tiniyak naman ni Health Undersecretary Eric Domingo na hindi na kailangang ihiwalay ang apat na miyembro ng pamilyang Chinese dahil negatibo naman sila sa nasabing sakit.

Umabot na sa 17 katao ang namatay at 600 ang dinapuan ng sakit na nagmula sa Wuhan, China. (Otto Osorio)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More