Una sa Balita

Mga pasahero dusa sa taas pasahe sa deactivation ng 15K Grab driver

0 293

UMAPELA ang Grab Philippines sa publiko na gamitin na lamang ang GrabShare service ng kanilang app kung hirap silang makapag-book ng masasakyan.

Ayon kay Atty. Nicka Hosaka, Grab Public Affairs Head, hindi sapat ang kabuuang bilang ng kanilang driver ngayon para serbisyuhan ang demand ng mga pasahero bawat araw.

Aniya, ang paggamit ng GrabShare ay pansamantala lamang habang hindi pa sila nakakakuha ng karagdagang 15,000 driver.

Umaabot sa 15,000 driver ang na-deactivate mula noong Enero ng kasalukuyang taon, pina­kamalaki dito ay noong Hunyo 10 nang tanggalin ang 5,000 driver.

Sa isinagawang survey ng commuter network The Passenger Forum (TPF), 78% ng mga pasahero ang nakaranas ng mataas na pasahe dulot ng surge pricing.

Lumabas din sa survey ng 72% ang nahirapan mag-book matapos ang deactivation ng 5,000 driver noong Hun­yo 10.

Ayon kay Primo Morillo, TPF convenor, lumilitaw lamang na ang mga pasahero ang talunan sa deactivation ng mga driver.

Dahil dito ay na­nawagan si Morillo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makipagtulungan sa Grab upang maparami pa ang bilang ng transport network vehicle service (TNVS).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy