Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga party-list target madomina Kamara

0 77

GUSTONG masungkit ng Party-list coalition ang 20 porsiyentong posisyon sa Kamara.

Kasabay na rin ito sa kanilang mga ipupursiging reporma partikular sa PhilHealth, batas para sa mga manggagawa at sektor ng edukasyon.

“The Party-list Coalition will push for a fair and equitable distribution of House leadership positions. We shall push for 20 percent of the positions,” ayon kay Incoming Party-list Coalition Secretary General at BHW partylist Rep. Angelica Natasha Co.

Partikular na tinukoy ng lady solon ang hangarin magkaroon ng abot kayang universal health care na ibig sabihin ‘corruption-free PhilHealth’ at magkaroon ito ng sapat na pondo upang sa gayon maibaba ang premium na binabayaran ng mga miyembro habang mapahusay rin ang health care packages ng mga nonpaying member.

Gayundin ang kanilang pagnanais na mapuksa ang kriminalidad at magkaroon ng mga tapat at propesyonal na police force. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.