Una sa Balita

Mga party-list na may adbokasiya lugi kay Coco

0 535

Sino ang may sabing dahil namatay na o nawala na nang dahil sa eleksyon ang mga karakter na kalaban ni Cardo Dalisay sa “Ang Probinsyano” ay magtatapos na ang serye?

No way, dahil balitang mas marami pang mga bago at lumang artista na makikita at gaganap ng mahalagang role sa sinasabing number one series sa TV.

Nakita na nga namin si Rey Malonzo na gumaganap na isang pulis-opisyal at balitang personal itong kinausap ni Coco Martin. Da­ting kilalang action star si Rey nu’ng 70’s at matagal ding naging ma­yor ng Caloocan City.

Aminin man nila o hindi, madaling magpakilala ulit sa publiko kapag napapanood sa TV, kahit itanong pa natin sa mga gaya nina Lito Lapid at ibang biglang “sumikat ulit” nang dahil sa “Probinsyano.”

And speaking of “Ang Probinsyano,” marami rin ang nagulat na ito pala ay isa nang ganap na party-list at personal pa ngang ini-endorse nina Coco at Yassi Pressman.

One plus one lang ang maraming mga nasa politika at naniniwalang ito na ang magsisilbing daan para eventually ay pasukin na ni Coco ang pagiging lingkod-bayan.

May basbas ng FPJ family, lalo na nina Manang Susan Roces at Sen. Grace Poe, ang natu­rang pagpapalista sa Ang Probins­yano bilang party-list na nanawagan ng boto ngayong darating na eleksyon.

Ano kaya ang masasabi ng Comelec na siyang nag-screen, nag-apruba at nagbigay ng kapangyarihan sa naturang grupo para ganap na maging isa itong political group via a party-list?

May kinalaman din kaya dito ang ABS-CBN na siyang production company ng series dahil masasabing sobra itong may ma­laking bentahe pagda­ting sa pangangampan­ya o media exposure kontra ibang party-list na may adbokasiya at programa para sa tinatawag na “small sectors?”

Jim Paredes pinandidirihan ng mga bading

Parang mahirap na nga na magmatapang ngayon ang mataray na dating member ng APO si­nging group na si Jim Paredes, dahil tumatak na sa isipan ng mga tao ang ganu’ng imahen niya at kung anong klaseng lalaki siya kapag sinusumpong na siya ng “kaelyahan.”

At ang nakakaloka pa, nakakabingi ang kantiyawan at halos pag­yurak sa kanyang pagkalalaki dahil walang naramdaman kahit na ang mga bading na mahihilig sa tisoy ng ganting “libog” sa kanya, at ang iba ay diring-diri pa.

Sa dinami-dami ng mga naging hanash niya kontra sa gobyerno, sa ganito lang pala siya mapagtatawanan ng marami, kasama na ang mga tinatawag niyang kaalyado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy