Una sa Balita

Mga paniki umeksena sa jersey retirement ni Parker

0 407

NAG-GATE crash ang mga paniki sa jersey retirement ni Tony Parker sa AT&T Center sa San Antonio Lunes nang gabi.

Bago ang selebrasyon, sinira muna ni Jaren ­Jackson Jr. ang gabi ng Spurs fans.

Nagsumite si Jackson ng 24 points, 6 rebounds at 5 assists para ihatid ang Memphis Grizzlies sa 113-109 panalo kontra Spurs.

Nagdagdag si Dillon Brooks ng 21 points, may 18 points at 12 rebounds si Jonas Valanciunas sa ­Memphis.

Pagkatapos ng laro, itinaas sa rafters ang No. 9 jersey ni Parker, katabi ng mga uniform ng kapwa niya Big 3 na sina Tim ­Duncan at Manu Ginobili.

Related Posts

Silang tatlo ang naghatid sa San Antonio sa apat sa limang kampeonato, ­hawak ang most wins (541) para sa alinmang trio sa kasaysayan ng NBA.

Dumalo sa gabi ni ­Parker sina ­former ­players ­Ginobili, ­Boris Diaw, ­Michael ­Finley, Ian ­Mahinmi at ­former ­assistants Mike ­Budenholzer, Ime Uduka at James Borrego, ­gayundin ang mga dating ­teammates ni Parker sa France ­National Team na sina Nicolas Batum at Ronny Turiaf.

Pumasok sa loob ng arena ang mga paniki bago at habang kasagsagan ng retirement ceremony.

Tinangkang lambatin ng stadium workers ang intruders, nag-chant ng ‘Manu!’ ang crowd – naalala ang ginawa ni Ginobili noong 2017 nang hampasin ang isang naligaw din sa loob. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy