Una sa Balita

Mga panatiko ni So gusto exciting game

0 325

UMAASA ang mga panatiko ni super grandmaster Wesley So na tutulak ng panalo sa huling tatlong rounds ng 2020 Tata Steel Masters na ginaganap sa Wijk aan Zee sa Netherlands.

Kasalo sa third spot si 25-year-old So matapos ang round 10 tangan ang anim na puntos kapareho ni GM Jorden Van Foreest ng host country.

Bahagyang nabo-boring na ang mga tagahangan ni Imus, Cavite native So dahil sa sunod-sunod na draw na naging dahilan ng pagka­bitaw nito sa tuktok.

“Okay lang naman kahit draw basta fighting draw at hindi ‘yung 15 moves pa lang draw na agad, nagpupuyat kami sa kahihintay ng laban niya tapos kauupo pa lang tabla na agad,” himutok ni Danny Calpito, mahilig din maglaro ng chess.

Hinawakan ni So ang top spot nang talunin si 16-year-old GM Alireza Firouzja ng Iran sa Round 4, pero pagkatapos ay nagtala na ito ng anim na sunod na draw kaya nalaglag ito sa unahan.

Nagkaroon ng isang araw na pahinga, ipagpapatuloy ngayon ang Round 11 sa event na may 14-player­ single round robin format.

Sunod na makakaharap ni So si GM Jeffery Xiong ng USA. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More