Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga pamilyang purdoy sa NCR, Mindanao lumobo

0 65

Naitala sa 200,000 pamilya ang nagsabing naghirap sila noong Abril 2022 kung ikukumpara sa antas ng kahirapan nakaraang Disyembre 2021.

Sa Self-Rated Poverty Survey ng Social Weather Survey noon pang 1992 (maliban noong 3 quarter ng 2020 nang hindi ito nagsagawa ng face-to-face survey), nasa 10.9 milyong pamilya ang nagsabing mahirap sila nakaraang Abril 2022 samantalang 10.7 milyon ang nagsabing mahirap sila noong Dis¬yembre 2021.

Ayon sa SWS, dumami ang nagsabing mahirap sila sa Min¬danao at Metro Manila samantalang nabawasan ang nagsabing mahirap sila sa Visayas at sa Luzon.

Umakyat sa 60% ang self-rated poor sa Mindanao mula sa 43% at dumami ang self rated poor sa Metro Manila sa 32% mula sa 25%.

Kumonti naman ang self-rated poor sa Visayas sa 48% mula sa 59% at nabawasan din ang self-rated poor sa ibang bahagi ng Luzon sa 35% mula sa 41%.

Ayon sa SWS, 7.9 milyong pamilya ang nagsabing hirap sila sa pagkain o ang tinatawag nitong self-rated food poor, pareho ng nagsabing hirap sila sa pagkain nakaraang Disyembre 2021.

Subalit, dumami ang nagsabing naghirap sila sa pagkain sa Mindanao at Metro Manila nitong Abril.

Ayon sa SWS, dumami ang self-rated food poor sa Mindanao sa 49% mula sa 31% at nadagdagan naman ito sa Metro Manila sa 25% mula sa 21%. Nabawasan naman ang self-rated foor poor sa Visayas sa 31% mula sa 41% at sa balanse ng Luzon sa 24% mula sa 31%. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.