Una sa Balita

Mga pambato ng UAAP, NCAA, iba pa pautakan sa Rapid Chess

0 172

BAKBAKAN ang mga malulupit na woodpushers mula sa iba’t ibang eskuwelahan paglarga ng 1st Tempo Inter-Schools Rapid Chess Championships na magsisimula sa July 20 sa Manila Prince Hotel Grand Ballroom sa San Marcelino St., Malate, Manila.

Nagpahayag ng pagsali ang ibang eskuwelahan mula sa University Athletic Association of the Philippines, (UAAP) at National College Athletic Association (NCAA) sa event na ipatutupad ang seven round Swiss system format.

Lalahok din sa one-day event ang mga produkto ng Milo Checkmate Chess Clinic at Sports Acade­my.

May age limit sa bawat kate­gorya, hanggang 26-anyos lang ang makakasali sa college division, (Open & Women’s), 19 sa high school (Open & Women’s) at 14 sa elementary (Open & Girls).

Pagsasama-samahin ang puntos ng top scorers ng bawat eskuwelahan para madetermina ang team champion na may premyong P100,000. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy