Una sa Balita

Mga paglabag ng Dos sisilipin ni Poe

0 365

NAIS ni Senadora Grace Poe na imbestigahan ang ABS-CBN kung sumunod ito sa ‘terms and condition’ ng kanilang prangkisa.

Isinampa ni Poe ang Senate Resolution 322, ilang araw matapos maghain ng quo warranto petition sa Supreme Court si Solicitor General Jose Calida dahil sa mga paglabag umano ng network sa kanilang prangkisa.

Kabilang umano sa mga nilabag ng Kapamilya network ay ang pagkakaroon ng pay-per-view at ang mga dayuhang namuhunan sa kompanya.

Ayon kay Poe, chair ng Senate Committee on Public Services, may kapangyarihan ang Senado na busisiin ang prangkisa ng ABS-CBN alinsunod sa Saligang Batas.

“ABS-CBN’s own franchise provides that it shall be subject to amendment, alteration or repeal by the Congress of the Philippines when the public interest so requires,” sabi ni Poe.

“The power to amend, alter, or repeal is co­rollary to the power to review the compliance of a grantee with the terms and conditions of its franchise,” dagdag nito.

Suportado naman ng ilang senador ang reso­lusyong ito ni Poe.

“I will support Sen. Poe’s reso. Congress, not the Supreme Court, is the body that has jurisdiction to review compliance by ABS-CBN of the terms of franchise granted by Congress, especially that there are pending bill seeking renewal of the franchise,” ayon kay Senate Mino­rity Leader Franklin Drilon.

Hihilingin naman ni Senador Panfilo Lacson kay Senate President Vicente Sotto III na magpatawag ng caucus sa Lunes para mapag-usapan ang inihaing resolusyon ni Poe dahil posibleng malabag ang sub judice rule bunsod ng naunang petisyon ni Calida sa SC. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More