Una sa Balita

Mga paalis na OFW sinasala laban sa human trafficking

By
0 484

PINAKILOS ng Bureau of Immigration (BI) ang mga immigration officer (IO) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maging maingat sa pagsala sa mga umaalis na overseas Filipino wor­ker (OFW) dahil sa mga ulat na muling nanganga­lap ang mga sindikato ng mga menor de edad upang magtrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ina­lerto niya ang Port Operations Division upang atasan ang mga IO na nakatalaga sa mga immigration booth ng mga paliparan na magsagawa ng mahigpit na pagsala sa mga umaalis na OFW upang matiyak na sila ay nasa ligal na edad at karapat-dapat na magtrabaho sa ibang bansa.

“Otherwise, in cases of doubt, our officers are instructed to refer these passengers to our Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) for secon­dary inspection,” ani Morente.

Iniutos sa mga IO na nakatalaga sa pre-scree­ning ng mga paalis na OFW na bantayan ang mga pasaherong mukhang menor de edad o 23-anyos pababa, na kinakailangang edad para sa mga overseas household service worker.

Nag-ugat ito nang mahuli ang isang 21-an­yos na Filipina household worker papuntang Saudi Arabia na naharang noong Miyerkoles ng mga IO sa NAIA Terminal 1 habang pasakay ng isang flight ng Philippine Airlines papuntang Riyadh, Saudi Arabia.

Dinala ang pasahero sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon at tulong.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More