Una sa Balita

Mga ospital sa Muntinlupa, Las Pinas pinalagyan ng isolation tent ni Angel Locsin

0 603

Two weeks pa lang natin nararanasan ang enhance community quarantine, pero parang ang tagal-tagal na natin nakatengga sa mga tahanan natin. Kaya ang iba, lalo na ang mga artisa na sanay na lumalabas at nagtatrabaho ay bagot na bagot na.

Wala naman tayong magagawa kundi sumunod para sa kaligtasan natin sa kumakalat na coronavirus. At paano kaya kung walang lockdown at nagkalat ang mga tao sa lansangan, malamang mas dadami ang magkakaroon ng virus at hawa-hawa na ang lahat at marami ang mamamatay.

Kunsabagay kapag malakas ang immune system ng isang tao ay malayo raw itong igupo ng virus.

At ngayon nga, ke mayaman o mahirap, ordinaryong tao o mataas na tao sa lipunan ay walang ligtas sa virus. Kawawa lang ang mahihirap dahil walang umaalalay sa kanila.

Kasi kapag nadapuan ka ay mag-isa ka lang sa ospital at hindi ka puwede puntahan o bantayan ng mga kamag-anak mo, at makakahawa ka talaga.

At kapag natuluyan ka, hindi ka na nila makikita dahil iki-cremate ka na agad, at ang mga abo mo na lang ang makikita ng mga kapag-anak mo. Kaya dapat alerto tayo at mag-ingat.

Anyway, mabuti na lang at maraming mga artista natin ang nag-iisip kung papaano makatulong sa mga taong nasa frontliner na tumutulong sa mga biktima ng nakakamatay na virus.

Saludo ako kay Angel Locsin na hanggang kahapon ay ayaw pa ring paawat. Marami na nga ang natatakot para sa kanya dahil baka siya naman ang mahawaan, ha!

Heto nga ang latest na update ni Angel:

Update for #UniTENTweStandPH (March 27, 2020):

“Because of your donation, we are able to set up and provide 8 12”24 isolation tents today on four hospitals!

“Here are the names of the hospitals with the price of the tents:
1. Research Institute for Tropical Medicine (Muntinlupa) – Php 98,000
2. Las Piñas Doctors Hospital – Php 72,500
3. Las Piñas City Medical Center – Php 98,000
4. South City Hospital and Medical Center – Php 98,000.

“We were able to lower the cost of our tents for today (projected at Php 100,000 /hospital), thanks to our suppliers.
Other expenses:
“Tips & food, etc: Php 5,000
“Total of expenses for March 27, 2020:
Php 371,500.
“Thank you for all your support!
“Kaya natin ito.”

Nakakabilib ka talaga, Angel.

Kaya sabi nga ng iba, si Angel ngayon, parang may pakpak na agad dahil sa mga kabutihang ginagawa niya.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More