Una sa Balita

Mga Opisyanl ngMIAA, CAAP, DOTR pinapalayas!

By
0 880

SUMABLAY sa kanilang trabaho kaya nararapat na magbitiw na lamang sa puwesto ang mga airport at transport official kung may delicadeza pa ang mga ito kasunod ng pagkakaparalisa ng operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines.

“There should be (resignations) out of delicadeza,” giit ni Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo, chairman ng House committee on Metro Manila development sa isang news forum sa Kamara kahapon.

Inihayag ng mambabatas na dapat naging aktibo at napaghandaan ng NAIA at ng mga tanggapan nina Manila International Airport Authority (MIAA) Ge­neral Mana­ger Eddie Monreal, Civil Aviation Authority of the Phi­lippines (CAAP) Director General Jim C. Sy­diongco at Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tuga­de ang ganitong problema at senaryo para hindi humantong sa bangungot at kunsumisyon ang mga eksena sa NAIA kung saan maraming pasahero ang naperwis­yo.

Abante Hiring – IT dep

“Heads will roll here, we cannot be just an international embarrassment. Those running the airport should be held accountable administratively, civil­ly, if not criminally. An in-depth and comprehensive investigation should be done to avoid another similar incident. The lack of foresight, absence of contingency and the unavailability of crane, and no emergency plan should be addressed now,” pahayag pa ni Castelo.

Binanggit ni Castelo na ilalarga ng House committee on transportation sa Setyembre 5 ang isang congressional investigation sa nangyari sa NAIA at tatalakayin na rin nila ang pagkakaroon ng paliparan sa labas ng Metro Manila.