Una sa Balita

Mga opisyal ng Nayong Pilipino winalis ni Digong!

Gobyerno nilugi sa 70-taon kontrata

By
0 1,185

PINATALSIK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong board ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) dahil sa pagpasok sa lease contract sa isang foreign company na ‘disadvantageous’ o lugi ang bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inanunsiyo kagabi ng Pangulo sa pulong ng gabinete ang pagsibak sa lahat ng opis­yal ng Nayong Pilipino.

Labis umanong nadismaya ang Pangulo dahil nagpapatuloy ang katiwalian kahit sa kanyang administrasyon.

Abante Hiring – IT dep

Naging batayan nang pagsibak ng Pangulo sa lahat ng opisyal ng Na­yong Pilipino ang pagpapaupa sa government property sa loob ng 70 taon na mas mahaba pa sa buhay ng isang tao.

Ayon sa Pangulo, dehado ang gobyerno sa kontrata at maituturing itong hindi makatotohanan.

“The President expressed his exasperation that corruption conti­nues even in his admi­nistration. He cited the case of Nayong Pilipino which leased government property for a ridiculous long period of time of 70 years beyond the lifetime of anyone, and he considered this as a contract which was grossly disadvantageous to government,” sabi ni Roque.

“He therefore announced that he was sacking all members of the board and management of Nayong Pilipino,” dagdag pa nito.

Ang termination papers ng mga sinibak na opisyal ay ilalabas sa susunod na mga araw ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

“The papers that will formally terminate the entire management and the entire board of directors of Nayong Pilipino will be issued in due course by the Executive Secretary,” dagdag pa ni Roque.

Samantala, sinabi naman ni NPF chairperson Patricia Ocampo na kanilang irerespeto ang desisyon ng Pangulo.

Paliwanag nito, ang lease agreement ng foundation sa Landing­ International para sa pagtatayo ng $1.5 billion Nayon Landing project ay ‘above board and highly advantageous’ sa gobyerno.

“I strongly deny accusations that there was graft and corruption,” pahayag ni Ocampo sa isang statement.

“In behalf of the board of trustees of the Nayong Pilipino Foundation, I would like to thank the President for having been given the opportunity to serve the Filipino people. It is regrettable that it has come to this, but we understand that we serve at the pleasure of the President,” dagdag pa nito.