Una sa Balita

Mga opisyal ng Duty Free dinikdik sa maanomalyang HK deal

By
0 358

Kinastigo ng mga kongresista ang mga opisyal ng Duty Free Philippines Corporation (DFPC).

Pumasok umano ang mga opisyal ng DFPC sa concession agreements sa pagitan ng mga dayuhan na halos lahat ay Hong Kong-based supplier para sa supply ng mga paninda na bilyones ang halaga.

Binalaan nina 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero at Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang mga opsiyal ng DFPC na puwedeng managot ang mga ito sa paglabag sa Retail Trade Law at Republic Act 9184 o Procurement Act bunsod ng pakikipag-deal sa mga dayuhan.

Kahapon ay nagdaos ng pagdinig ang House Committee on Good Go­vernment and Public Accountability na pinamumunuan ni Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo hinggil sa diumano’y maanomalyang kontrata na pinasok ng DFPC.

Binatikos ni Romero ang DFPC sa pakikipagtransaksyon kay Jose Ma. Esteban III na kinatawan ng isa sa mga dayuhang kompanya.

Nagsilbi rin itong retailer ng mga imported product hanggang 1992.