Una sa Balita

Mga opisyal ng DOE sibakin – Sherwin

0 238

NAIS ni Senador Win Gatcha­lian na magsagawa ang Senado ng pagsisiyasat hinggil sa rotational brownout na tumama sa Metro Metro at ilang bahagi ng Luzon.

Sa gitna ito ng paniniyak ng Department of Energy (DOE) na may sapat na suplay ng kuryente ngayong summer.

Ginawa ng chairperson ng Senate Committee on E­nergy ang pahayag kasunod ng serye ng yellow at red alert warnings ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa Luzon grid.

“The brownouts felt by our constituents in Luzon these past few days is totally unacceptable. The Department of Energy assured us even before the start of summer that there will be enough power supply in the country. If there’s enough power supply, then how come that there are towns and provinces in Luzon that are experiencing rotational brownouts,” saad ni Gatchalian.

“Definitely, heads must roll this time. We owe it to the power consumers to give them accurate information on the power situation in the country. Mukhang na-overestimate ng DOE ang available capacity ng kuryente natin,” dagdag pa nito.

Bahagi aniya ng imbestigasyon ay ang maling electricity forecast ng DOE at ang kanilang contingency measures sa unexpected power interruptions.
Binigyang-diin ni Gatcha­lian na hindi isinama ng DOE sa kanilang forecast ang unplanned outages.

“Our power consumers deserve nothing but accurate information. Ang DOE ang pangunahing ahensya na dapat nagbibigay ng wasto at sapat na inpormasyon upang makapaghanda an gating mga kababayan. Kaso mukhang na fake news tayo ng DOE sa pagkakataon na ito,” giit ng senador.

Muling hinimok ni Gatcha­lian ang DOE to na maging vigilante sa posibleng sabwatan sa gitna ng manipis na reserbang kuryente. (Dang Samson-Garcia/Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy