Una sa Balita

Mga opisyal ng barangay bigyan ng pamasko — Duterte

0 356

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng yuletide assistance o pamasko ang lahat ng mga opisyal ng barangay sa buong bansa.

Nakapaloob ito sa Executive Order 99 ng Pangulo para magtatag ng Yuletide Social Assistance Program para sa mga nasa barangay level.

Itatatag ang programa sa pamamagitan ng ordinansa na pagtitibayin ng konseho.

“The yuletide season is an opportune time to establish such measures or programs for the economic empowerment of barangay officials and functionaries,in recognition of their valuable and meaningful service that effect genuine and positive change in their respective communities,” anang nakasaad sa EO.

Inatasan ng Pangulo ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Interior and Local Government (DILG) na maglabas ng guidelines para sa pagbibigay ng tulong, at ang pondo ay huhugutin mismo sa pondo ng barangay.

Sa ilalim ng ilalabas na guidelines ay tutukuyin kung sino sa mga opisyal ng barangay ang makikinabang sa Yuletide Social Assistance Program.

Ang direktiba ay inilabas ni Pangulong Duterte bilang pagkilala sa papel ng mga opisyal ng barangay alinsunod sa Philippine Development Plan. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy