Una sa Balita

Mga opisyal na kandidato sa 2019 eleksyon, ilalabas sa Nobyembre 19

By
0 171

ILALABAS na ng Commission on Elections (Comelec) sa Nobyembre 19, 2018 ang paunang listahan ng mga opisyal na kandidato para sa May 2019 midterm elections.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10441, ilalabas ng Comelec ang listahan sa kanilang website na www.comelec.gov.ph.

Makikita rin ang listahan ng mga kandidato sa mga tanggapan ng election officer kung saan naghain ng certificate of candidacy (COC) ang mga aspirante para sa nalalapit na eleksyon.

“Aspirants are encouraged to check their names to appear on the ballot,” ang nakasaad sa resolusyon.

Samantala, ang pa­ngalan naman ng mga substitute candidate ay ilalabas sa Comelec website sa Nobyembre 30.

Ang paglalathala ng listahan ng mga kandidato ay sa layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga aspirante na maitama ang kanilang pangalan na lalabas sa balota.

Ang hiling para sa pagtatama sa pangalan ay maaring ihain hanggang as Nobyembre 29, 2018.

Ang mga substitute candidate naman ay mayroong hanggang Disyembre 7 para humiling ng pagtatama sa kanilang pangalan.