Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga opisina gagawing vaccination center

0 146

Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibilidad na gawing vaccination sites ang mga lugar na pinagtatrabahuhan upang mapalapit sa mga empleyado na nais magpabakuna kontra COVID-19.

“Tinitingnan din natin na gawing mas accessible ‘yong mga bakuna sa mga manggagawa,” pahayag ni DOLE Undersecretary Benjo Santos Benavidez sa Laging Handa briefing kahapon.

Ginawa ng opisyal ang pahayag makaraang payagan ng gobyerno ang pitong pharmacies at mga klinika sa National Capital Region (NCR) na makapag-administer ng primary doses at booster shots dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang programa ay tinawag na “Resbakuna sa mga Botika” kung saan ay taget na makapagturok ng 3,500 shots sa kanilang pilot run ngayong January 20 hanggang 21. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.