Una sa Balita

Mga OFW ‘wag agad maniwala sa pangako ng gobyerno

0 397

Masarap pakinggan ang pangako ng gobyerno na mismong galing kay Pangulong Duterte na umano’y tulong sa mga overseas Filipino wor­ker (OFW).

Ito ay sakaling umuwi ang mga OFW na maiipit sa pinanga­ngambahang giyera sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

Maaaring mabigyan ng tulong pinansiyal na ayon sa mga nakaraan ay tinatayang nasa P5,000 o hanggang P10,000 kada OFW.

Pero mabilis lang maubos ang pe­rang ito at huwag agad manalig at umasa sa pangakong trabaho.

Nangako kasi si Pa­ngulong Duterte na tiyak na mabibigyan daw ng trabaho ang mga OFW na uuwi sa bansa.

Related Posts

Prayoridad daw sa mga proyektong nasa ilalim ng Build, Build, Build infrastructure prog­ram ang mga OFW upang mabigyan ng trabaho.

Huwag agad maniwala ang mga OFW sa pangakong ito ng Pangulo dahil maaa­ring mabigo pa ang mga ito.

Sa katunayan, ayon sa report mula sa 75 project ng BBB ay 9 project ang naumpisahan at mahigit 2 taon na lang ang nalalabi sa termino ng Pangulo.

Kung desidido ang isang OFW na umuwi sa Pilipinas sakaling lumubha ang sitwasyon sa Middle East ay huwag aasa sa pangako ng gobyerno sa halip ay gumawa ng sariling diskarte upang makatiyak na hindi magugutom ang pamilya.

Pagkauwi sa Pilipinas ay agad na mag-apply ng trabaho sa ibang bansa na malayo sa posibleng giyera.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More