Una sa Balita

Mga OFW, turista pinaiiwas sa HK protesta

0 302

PINADIDISTANSIYA ng konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong ang mga overseas Fi­lipino worker (OFW) at mga turistang Pinoy na lumayo sa Admiralty kung saan nangyayari ang standoff sa pagitan ng mga awtoridad at daan-daang demonstrador na lumusob sa legislature at binakbakan ang kontrobersyal na extradition bill.

Nauna nang umapela ang konsulado ng Pilipinas sa mga Pinoy sa pamamagitan ng inilabas na advisory noong Hulyo 1 kasabay ng paggunita sa 22nd anniversary ng pag-handover ng Bri­tain sa China kung saan ay nataong holiday kaya inaasahan ang pagdagsa ng mga Pinoy sa nasabing lugar.

Nabatid na mali­ban sa Admiralty ay inaabisuhan din ang mga OFW na huwag munang sumakay sa Mass Transit Railway (MTR) sa lugar dahil isinara ito bunsod ng kaguluhan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy