Una sa Balita

Mga OFW sa Iran pinag-iingat ng PH Embassy

0 328

PINAYUHAN ng Philippine Embassy ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Iran na mag-ingat kasunod ng pag-atake sa oil facility ng Aramco sa Saudi Arabia.

Ipinarating ng embahada ang mensahe sa mga Pinoy sa Iran sa pamamagitan ng Facebook page nito.

“The Filipino community is urge to closely monitor local developments in their respective areas of domicile across the country,” sabi ng Philippine Embassy.

Payo pa nito sa mga Pinoy na palagiang bisitahin ang Philippine Embassy in Tehran official website gayundin ang OFW Help na official FB page ng Department of Foreign­ Affairs-Office of the ­Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs para sa mga pinaka­bagong balita, public notice at emergency announcement.

Nauna rito ay kinondena ng pamahalaan ang mga drone strike sa mga pasilidad ng Aramco noong Setyembre 14.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ng Saudi ang nasabing insidente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy