Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga OFW sa Hong Kong binalaan kontra mga link

0 114

Binalaan ng Philippine consulate general ang mga Pinoy sa HongKong na mag-ingat sa pagbubukas ng mga link na natatanggap nila sa social media.

Ayon sa konsulada, posible itong sindikato na target ma-access ang account ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong para makakuha ng mga impormsyon tulad ng contact details, friends list, photos at iba pa na maaari nilang magamit sa mga ilegal na gawain.

Sakaling mabiktima ng ‘phishing’ maaari umanong dumulog sa Hong Kong Computer Emergency Response Team Coordination Centre ang mga biktima sa pamamagitan ng kanilang hotline 8105 6060 o email sa hkcert@hkcert.org.

Maaari rin tumawag sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Investigation Anti-Fraud Division sa numerong (02) 8525 4093 para sa kaukulang tulong. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.