Una sa Balita

Mga OFW sa HK nilayasan ng mga employer

0 660

NANGANGANIB ang ilang manggagawang Pilipino sa Hong Kong na mawalan ng trabaho dahil ang kanilang mga employer na nagpaplanong lisanin ang lugar dahil sa mga nangyayaring bayolenteng demonstrasyon, ayon sa isang community leader.

Ang United Filipinos sa Hong Kong ay nakatanggap ng tatlo hanggang apat na mga ulat ng mga kompanya, na hindi pinamamahalaan ng mga Tsino, na nag-abiso na sa kanilang mga empleyado na lilisanin nila ang lugar dahil sa mga protesta, ayon sa grupo ni secretary ­general Emmanuel Villanueva.

Karamihan aniya sa kanilang mga employer ay mga European na hindi naman lehitimong taga-Hong Kong, kung kaya’t may opsyon sila na bumalik na sa kanilang bansa.

Ang Kong Kong ay mayroong 230,000 mga Pinoy, karamihan sa kanila ay mga household service worker (HSW), na sumasahod ng minimum na HK$4,630 (P30,000) kada buwan. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy