Una sa Balita

Mga OFW na biktima ng labor trafficking sa US inayudahan

0 355

NEW YORK – ­Mahigpit na minomonitor ng ­Philippine Consulate sa New York ang mga kaso ng mga overseas ­Filipino worker (OFW) na ­biktima ng labor ­trafficking sa East Coast, Estados Unidos

Ayon kay New York Deputy ­Consul ­Genral Kerwin ­Orville Tate, ­katulong ang ilang ­non-government ­organization ay ­ipinupursige nila ang mga kaso ng mga Pinoy na biktima ng labor ­trafficking para ­makamit ang hustisya.

Protektado ng Uni­ted State ­Trafficking Victim Protection Act of 2000 ang libo-libong biktima ng labor ­trafficking na ­pumapasok sa Amerika.

Bukod sa tulong ­legal, pinagkalooban din ng konsulado sa New York ng $1,000.00 o P50,000 ang ilang ­biktima ng ­labor ­trafficking.

Kabilang sa mga ­napagkooban ng ­tulong pinansyal ang OFW na si Lea Fe Abarcar ­Obillo na kasalukyang dinidinig ang kaso sa Boston, USA.

(Dave Llavanes Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy