Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga nurse pagod na sa pangakong taas-sahod

0 32

Ikinatuwa ng Philippine Nurses Association (PNA), ang desisyon ng gobyerno na taasan ang bilang ng mga ipadadalang health care worker sa ibang bansa.

Mula sa dating 5,000, itataas na sa 6,500 ang bilang ng mga doktor, nurse, midwife at iba pa sa hanay ng mga health worker na taunang ipadadala sa ibang mga bansa para magtrabaho.

Sinabi ni PNA president Melbert Reyes na kontra na sila sa pagpapatupad ng deployment ban sa mga health worker na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa para sa mas malaking oportunidad.

Aniya, hindi nila maaaring pigilan at pagkaitan ng karapatan ang mga health worker na magtrabaho sa ibang bansa para sa kanilang ikauunlad.

“We cannot deprive our nurses of looking for better opportunities lalo na ‘di nila makita ‘yong dito sa Pilipinas,” diin ni Reyes.

“Parang napagod na ‘yong nurses na maghintay ng pagpapahalaga mula sa gobyerno at sa publiko,” diin nito.

Dahil dito, mahihirapan ang gobyerno na mapunan ang kailangang 100,000 trabaho sa mga pampubliko at pribadong ospital kahit na ano pa ang ialok nila sa mga health worker. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.