Una sa Balita

Mga nurse, caregiver wanted sa Japan

By
0 635

Nagsimula na ang Philippine Overseas Employment Adminis­tration (POEA) na tumanggap ng mga kuwalipikadong aplikante para sa nars at tagapagalaga (caregiver) sa bansang Japan sa ilalim ng Framework for the Movement of Natural Persons of the Philippines-Japan Economic Partnership Agreement (PJEPA).

Ang Japan International Corporation of Welfare Services (JICWELS) ay nangangailangan ng mga kuwalipikadong aplikante upang punan ang isa pang batch ng mga bakante para sa 50 nars o kangoshi at 300 careworker o kaigofukushishi.

Ang mga maaring mag-aplay para sa nursing position ay dapat nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing, na may lisensiya sa PRC Board, at may tatlong taon karanasan sa ospital, interesado at nakatuon sa trabaho at pag-aaral bilang isang kandidato para sa ‘Kangoshi’ upang makakuha ng National License sa Japan.

Samantala, ang mga nagnanais mag-aplay bilang mga manggagawa sa pag-aalaga ay dapat nagtapos ng anumang apat na taon na kurso, isang sertipikadong NCII caregiver ng TESDA, at nagtapos ng Bachelor of Science sa Nursing (mayroon o walang lisensya ng PRC).

Ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon ay sa Abril 30, 2019.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More